Unti-unting pinapakita ni Nadine Lustre ang mga glimpses ng kanyang newfound love.

For the first time, ibinahagi ng aktress sa Instagram ang ilang sweet at cozy na larawan na magkasama silang dalawa ni French-Filipino businessman Christophe Bariou, ang kanyang rumored boyfriend.


Sa larawan, makikita na masayang masaya sina Nadine at Christophe habang may hawak ng champagne at may fireworks pa sa background, na may caption na top hat at magic wand emojis.

Kahit hindi pa naman kinukumpirma ni Nadine na magkasintahan sila ni Christophe, halata naman sa kanyang ngiti na kumportable siya sa French-Filipino businessman.

Bago ito, may ipinakitang snap si Nadine kay Christophe sa kanyang Instagram Story noong Nobyembre 2021.

Ilang local celebrities tulad nina, Darla Sauler, Maxene Magalona, at Yassi Pressman ang nag-react sa post ng Viva star aktress.

Ang mga netizens rin, hindi napigilan mag-comment ng kanilang kasiyahan na sa wakas, may official Instagram photo na ang rumored couple.

Kahit ang go-to hairstylist ni Nadine na si Paul Nebres ay nag-comment ng, “😍😍😍😍😍 happy new year lovebirds 😘.”

📷 @nadine Instagram

(Manila Bulletin)

Instagram