Biglang nawala ang verified Instagram account ni Gretchen Barretto noong Nobyembre 28, at humihingi ang kanyang anak ng tulong kung paano ito ma-retrieve.

Nakakapanghinayang dahil Ito’y may 1.7 milyong followers.

Mahalaga para sa kanya ang kanyang Instagram account sapagkat, doon siya nag-popost ng kanyang mga activities especially ang kinahihiligang niyang sabong.

Kaya naman nanawagan ang anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco sa kanyang mga followers sa Instagram.

“Does anyone work for @meta / @instagram who can help me with my mum’s Instagram account? It disappeared. Please DM me!” sulat ni Dominique.

Habang hindi pa nare-recover ang verified account ni Gretchen, gumawa muna siya ng isang temporary account.

Nanawagan si Gretchen na i-follow siya sa pansamantala niyang account sa pamamagitan ng isang video na pinost niya kagabi.

“Hi, I’m Gretchen Barretto, follow this username, gretchen_barretto. That’s my temporary account.”

Nag-upload rin siya ng isa pang video kung saan ibinahagi niya na hindi niya alam kung bakit na lang biglang nawala ang kanyang account.

“This is my new IG account. As you all know, my other account has been deactivated, I don’t know why.”

Sa ngayon, meron na itong 11.7-K followers.

May walo na rin siyang posts dito.

Hanggang ngayon, wala pang update si Dominique kung ano na ang nangyari sa recovery process ng Instagram account ng kanyang ina.

(PEP.PH)

📷 @gretchen_barreto Instagram

Instagram