Usap-usapan ngayon sa Social Media na makakasama ni number one vlogger Ivana Alawi sina Sam Milby at Gerald Anderson sa isang bagong teleserye mula sa RSB Unit na ididirek ni Cathy Camarillo.

Sa Instagram ng aktres, maypa-teaser si Ivana na magkakaroon ito ng bagong serye.

“New teleserye soon,” sulat nito kasama ang heart emojis.

Mababatid na sa isang televised concert, kumanta si Ivana ng “Imahe” kasama ang mga Kapamilya leading men na sina Gerald at Sam at iba pang leading ladies.

Sa ngayon, wala pang pormal na kumpirmasyon ang tambalang Gerald at Ivana.

Naging miyembro ng cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” noong 2018 si Ivana at sa “Mea Culpa: Sino Ang May Sala?” taong 2019.

(via: Bandera, ABS-CBN)

Instagram