Sa kanyang Instagram post, muling ibinida ni Valentina este ni Janella Salvador ang mga larawan kasama ang bagong pet na isang yellow ball python na tinawag niyang Valentino.

“Because two is better than one. Welcoming this baby to my zoo.


“His name is… ✨Valentino✨”, sulat ng aktres sa caption ng kanyang post kahapon, December 14.

Si Valentino ang ikalawang pet snake ng aktres na nakatakdang gumanap bilang Valentina sa upcoming Mars Ravelo’s Darna: The TV Series ng ABS-CBN.

Kamakailan lang, pinakilala rin ni Janella ang kanyang unang pet snake na si Versace na isa namang 5 month old na corn snake.

Pinili si Janella ng mismong series’s director at box-office filmmaker Chito S. Roño para gumanap sa role ng babaeng ahas na si Valentina.

“I’m very, very honored to be chosen among the many, many actresses who auditioned for this role. I’m sure they were all equally as amazing and I would like to take this opportunity to thank Direk Chito Roño and ABS-CBN for giving me the opportunity to portray this iconic role,” ani Janella sa #ValentinaReveal nitong November.

Instagram