Ibinahagi ni Jessy Mendiola ang pagbabago nilang mag-asawa matapos nilang magpakasal, anu-ano kaya ito? Alamin!

Sinasabi nila na “its the begining of a new life” matapos kayong magpakasal ng iyong minamahal.

Si Jessy ang bagong Cathy Valencia Advanced Skin Care ambassador at inamin niya na nang dahil sa kanyang marriage, nagbago na ang kanyang sense of fashion.

“I never wore pink But now my bag is pink. I’m wearing pink. Parang nasabi ko, ‘Parang naging mas maarte ako.’ But I think it comes with maturity,” aniya ayon sa ulat ng PUSH.

“I used to boyish kasi. I used to wear rubber shoes lang and there’s nothing bad dun di ba? I have nothing against it. Lagi lang ako naka-T-shirt at jeans. But then as you grow older nagkakaroon ng maturity,” dagdag niya.

Sa isang panayam ng press, ibinahagi rin ni Jessy kung paano nagbago si Luis Manzano mula nang ikasal.

📷 @senorita_jessy Instagram

“Mas naging relaxed siya. When Lu and I broke up, parang siyang nagmamadali. Nagmamadali siya in life. Sa trabaho, sa businesses, parang hindi siya maka-slow down,” sabi ni Jessy.

Sinabi niya na dahil sabay yung pandemiya at yung closure ng ABS-CBN, wala nang oras si Luis para sa kanyang sarili, kaya palagi siyang nagmamadali.

Pero, matapos nilang magpakasal, sinabihan ng isang sweet na message at assurance ni Jessy ang kanyang asawa.

“Tapos finally when we got married I told him, ‘Alam mo, love, you have to slow down. You’re not getting any younger. You have to take care of your health. You have to prioritize what you want for yourself. You’re okay na eh. And kahit pa mawala lahat yan huwag ka mag-alala, alagaan kita.’”

📷 @senorita_jessy Instagram

Sana all aalagaan hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Dagdag pa ni Jessy, “Kahit pa tuyo ang kainin natin everyday, basta uminom lang tayo ng madaming tubig, gagawin ko lahat para sa ‘yo.’ Sabi ko siguro nakapag-ipon din naman ako ng konti para mabuhay tayo ng simple, ganun.”

Dahil dito, sabi ni Jessy na nagbago na si Luis.

“Na-relax na siya. Na finally, ‘I have someone na if when all else fails, she’s got my back.’ So yun yung lagi kong pinapaalala ko sa kanya. pag nawala lahat don’t worry,” aniya.

(Push)

📷 @senorita_jessy Instagram

Instagram