Matapang na sinagot ni Jessy Mendiola ang isang netizen na nag-cricriticize ng kanyang katawan at pregnancy plans.

Ibinahagi ni Jessy sa kanyang Instagram ang isang video na nagpapakita ng kanyang toned body habang siya nag-eexercise at nagbubuhat ng dumbbells.

“Started the year right during our stay in Baguio. Napakain ng madami kaya dapat mag-exercise,” sulat niya sa caption.

Sa parehong post, may isang netizen na nag-kumento sa abs ng aktress, at tinanong niya rin kung may plano ba si Jessy na mabuntis.

“[Nagpapa-abs], [walang balak] mag buntis?” tanong ni @modznaabdullah.

Nireplayan naman ito ni Jessy ng, “Porket may abs bawal mabuntis?”

Natuwa ang mga fans at sumang-ayon sila sa sagot ni Jessy, sinasabi rin nila na ang pag-eexercise ay nakakatulog upang mabuntis.

Si Jessy ay ikinasal kay actor-TV host Luis Manzano, ay kamakailan, ibinahagi niya na nais niyang mabuntis, at umaasa siya na magkaroon ng twins.

📷 @senorita_jessy Instagram

(Inquirer.Net)

Instagram