Namahagi ng Bible ang misis ni presidential aspirant at Senator Manny Pacquiao na si Jinkee sa mga supporters ng kanyang mister sa mga lugar na kanilang binisita.

Ibinahagi ni Jinkee sa kanyang Instagram ang mga larawan ng pamamahagi ng Bibliya sa mga tag General Santos City ilang araw lang ang nakalipas.

“Panalangin ko na sa pagbabasa nila ng Bibliya ang Panginoon ang mangusap sa bawat isa.

“Let the message about Christ, in all its richness, fill your lives. – Colossians 3:16,

“Isa sa pinaka-masayang araw ng buhay ko na maibigay ang love letter ng Panginoon sa kanila.

“To God be all the Glory,” sulat niya sa caption.

Namigay din ng mga grocery items at pera ang pambansang kamao bilang tulong ngayong may pandemya.

Naging abala ang mag-asawa sa pagbisita sa iba’t-ibang lugar sa bansa mula nang maghain ng kandidatura sa pagkapangulo si senator Manny Pacquiao.

Kamakailan lang, binisita rin nila ang Guadalupe Market kung saan bumili si Pacquiao ng malaking halaga ng isda sa mga nagtitinda.

Magugunitang inanunsyo ng senador ag pagtakbo sa parating na halalan matapos ang kanyang laban kay Yordeni Ugas.

Instagram