Kapuso aktor na si John Llyod Cruz kuhang-kuha ang reporting style ng GMA News veteran anchor na si Mike Enriquez.

Sa isang virtual interview kasama si Nelson Canlas sa “24 Oras,” tinanong ang aktor patungkol sa mga updates sa kanyang sitcom kasama si Andrea Torres.

Habang sumasagot si John Llyod, napansin ni Bea Alonzo, kung saan andoon din siya sa interview, na yung accent ni John Llyod ay parehas kay Mike Enriquez.

“Bakit ’pag nagsasalita, parang si Mike Enriquez?” aniya habang tumatawa at ginagaya ang movements ni John Llyod.

At dahil aktor to the heart siya, nag-go with the flow na lang si John Llyod at patuloy niya lang sinagot ang tanong ni Nelson, pero lalo niyang in-emphasized ang kanyang delivery na maging boses ng GMA anchor. Kahit nag-jojoke lamang siya, he really nailed it.

“Alam mo Nelson, ang pwede ko lang ibahagi sa’yo ay nakapag-taping na kami ng unang cycle namin. Pwede mong asahan ’yang information na ’yan. Hindi ’yan fake news,” sabi ni John Lloyd.

“Kung kailan kami eere ay hindi ko pa alam, Nelson. Bea, pasok!” dagdag niya habang ginagaya ang movements ni Mike Enriquez.

Matapos ang kanyang act, hindi naiwasan ng GMA News anchor na magkumento sa performance ni John Lyod at mag-look back sa kanyang younger days.

Sumali rin sina Vicky Morales at si Mel Tiangco sa pag-kumento.

“Sabagay, dati na ’kong napagkamalang si John Lloyd. Sa totoo lang. Mahirap,” sabi ni Mike.

Nag-reply si Mel sa kumento ni Mike at sinabing bumalik na siya sa realidad.

“Magising ka, Mike. Wake up, wake up,” aniya.

Officialy kabilang na sa GMA Network si John Llyod kung saan sumali siya noong nakaraang buwan.

(GMA News)

Instagram