Binigyan ni Gerald Anderson ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto ng isang regalo na first time palang niyang natanggap, ano kaya ito? Alamin!

Magkasamang ipinagdiwang nina Julia at Gerald ang Pasko sa tahanan ni Marjorie Barretto, ina ni Julia, kung saan makikita ito sa YouTube channel ni Marjorie.

Sa video, makikita na nagulat si Julia sa kanyang natanggap na regalo mula kay Gerald, ano ito? Isang Rolex na watch. Matapos ni Julia matanggap ang relo, niyakap niya ang kanyang boyfriend.

Agad-agad sinuot ng aktress ang Rolex at sinabing ito raw ang first time na nagkaroon siya ng ganitong klaseng relo.

Nag-bonding din si Gerald sa pamilya ni Julia. Makikita rin na naglalaro ang aktor kasama ang bunsong kapatid ni Julia na si Erich,kung saan niregaluhan rin siya ni Gerald ng isang stuff toy.

Samantala, nagpasalamat naman si Julia sa kanyang ina na may kasabay pang sweet na mensahe.

“You’re still life’s greatest gift of all — my best friend, my number one, my home. I will forever find comfort in your arms,” Julia said. “Even when I’m 75, I will still need you most. I love you more than you can ever imagine,” sabi ni Julia.

📷 @Marjorie Barreto YouTube Channel

(Inquirer.Net)

Instagram