Ibinahagi ni Screen superstar Kathryn Bernardo ang progress ng construction ng kanyang dream home, kung saan halos limang taon nang ginagawa.

Sa Instagram, nag-post ng mga larawan si Kathryn na nagpapakita na umabot na sa second-storey ang construction, na may size na tila isang sprawling property.

Makikita ang overlooking view mula sa bahay.

Bukod sa pag-susurvey ng bahay, mukhang sumubok rin si Kathryn na mag-manual labor, sa isang clip makikita na nag-mimix siya ng semento.

“Site visit. Jan ’22,” caption niya sa post.

Kabilang sa mga nag-kumento sa post ay ang long-time life partner ni Kathryn na si Daniel Padilla, na nagsulat, “Yahoo! Exciting times!”

Unang ibinahagi ni Kathryn na nagpapatayo siya ng kanyang dream home noong Marso 2020, noong panahon na iyon, sinabi niya na pinagplanuhan ito ng halos tatlong taon.

“March 9, 2020. Day 1. Groundbreaking of our new home. The construction of our dream home has officially begun. I still can’t believe it’s finally happening after 3 years of planning!” sulat niya sa panahon na iyon.

📷 @bernardokath Instagram

Instagram