INAMIN ni Kim Domingo na nawalan siya ng mga followers sa social media matapos bawasan ang pagpapa-sexy.

Sa isang online interview, sinabi ng aktres na napansin niya ang pagbabago sa kanyang audience nang simulan niyang i-minimize ang kanyang mga sexy image.

“Mas gusto ko na makita nila na meron akong ibang kayang gawin bukod sa pagpapa-sexy. Napansin ko ang naging impact non,” pahayag ni Kim.

“May mga taong nawala. Kasi nung time na nagpapa-sexy ako, ang dami,” salaysay ng dalaga.

“Tapos nung time na nagbawas na ’ko, sabi ko parang may mga taong nawala, like sa following sa social media—umonti,” lahad pa ng aktres.

Gayunpaman, sinabi ni Kim na hindi ito nakakaapekto sa kanya.

Aniya, mas mahalaga pa rin sa kanya ang sarili niyang kaligayahan.

“Okay lang. Ang importante sa ’kin, kung saan ako masaya, kung ano na ’yung gusto ng puso ko ngayon. Masaya ako sa ginagawa ko,” ani Kim.


(With reports from GMA News)

Instagram