Ipinakita ni Kiray Celis na hindi siya nagpapatalo o nag-baback down sa kanyang mga bashers.

Sa latest post ni Kiray sa Instagram, kung saan makikita ang larawan ng kanyang sarili na nakasuot ng puting one piece na bikini, may mensahe siya sa mga taong nag-babash ng kanyang katawan.

“Not because I’m wearing revealing clothing doesn’t mean I want to be disrespected. Allow me to be confident with my body and to wear whatever I like,” sulat niya sa caption.

“Lastly, stop assuming that ladies dress up to impress boys…And I, thank you! HAHAHAHA!” dagdag niya.

Ito’y nagpapatunay na proud siya sa kanyang katawan.

Samantala, natuwa naman ang kanyang mga fans sa kanyang sinabi at nag-kumento sila ng suporta para kay Kiray.

“I love you Kiray kahit matanda na ako pero inidolo kita mula p nuong Ms. Little philippines till now. That’s why I like to much,” sulat ng netizen.

“Inggit lang sila sa yo Kiray ganda yata at sexy ang idol ko,” kumento ng isa.

“I really like ur body cutie pie… bus.ok… keep safe,” sabi ng isa pang netzen.

Sa isang magkahiwalay na post naman ni Kiray, binati niya ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ng happy anniversary.

“Bago matapos itong araw nato, gusto kitang batiin ng Happy happy happy 2nd anniversary @stephan.estopia.” sabi ni Kiray.

“Maraming salamat sa pagmamahal, respeto, katapatan, tiwala, suporta at pagaaruga. Mahal na mahal kita!”

📷 @kiraycelis Instagram

(Bandera)

Instagram