Inihalintulad ng beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis si Karen Davila kay Andrea Brillantes.

Aniya sa isang Instagram post, nakakatanggap ang brodkaster ngayon ng mga pambabash dahil kagaya din siya ng ibang artista na mabilis magsalita.

“Iyon kaso ni Karen Davila Salve na nakakatanggap ngayon ng bashing dahil sinabi niyang lalayas siya ng Pilipinas pag nanalo si Bongbong Marcos kagaya din ng kaso ng ibang celebrities na ang bilis magsalita na ngayon ay hindi alam kung paano babawiin ang mga nasabi nila, ” pahayag niya.

Binanggit din niya ang pangalan ng young star na si Andrea Brillantes na nagsabing bobo ang mga boboto kay BBM.

“Kaya gaya ni Andrea Brillantes na akala mo ang talino kung magsabing bobo ang boboto kay BBM, hindi alam kung paano ideny na sinabi niya ito,” sey pa ng kolumnista.

Nagbigay din siya ng payo tungkol sa pag-iingat sa pagbibitaw ng mga salita.

“Iyan ang sinasabi ko, huwag basta bibitaw ng salita na baka hindi mo kaya ang magiging resulta. Think before saying, hah hah hah, parang kasalanan ko din iyan Gorgy at Salve. Kaya nga ngayon, alam ko na, dapat ingat😭

Instagram