Ibinahagi ng aktres na si Liza Soberano ang kanyang mga larawan na kinuha noong siya’y pumunta ng El Nido, Palawan.

Sa kanyang Instagram posts, makikita ang asul na dalamapsigan, at maputing buhangin habang naka-pose si Liza sa kamera na nakasuot ng maikling shorts, black top, at oversized blue long-sleeved shirt.

“Blue sky, denim shorts, and a salty tan,” sinabi ng aktres na may kasamang blue heart emoji.

Sa ibang larawan, kitang-kita ang kagandahan ni Liza nang nag-suot siya ng orange color-coordinated top at isang knitted bucket hat, kung saan ramdam na ramdam mo talaga ang summer heat.

Sa huling set ng kanyang “island dump” na mga larawan, suot ng aktres ng eleganteng itim na damit.

Noong nakaraang taon, ang El Nido ang isa sa dalawang destinasyon sa Pilipinas sa top list beaches sa Asia, kung saan kabilang rin dito ang Boracay Island.

(ABS-CBN)

Instagram