Ibinahagi ni Kris Aquino sa social media ang update patungkol sa kanyang “road to wellness” matapos niyang matanggap ang kanyang unang treatment nitong weekend.

Sulat ng dating Kapamilya host sa Instagram na naging smoothly naman ang una niyang Xolair, at naka-adapt rin ng maayos ang kanyang katawan.

“Thank you for your prayers — supposed to rest this week, then March 13 ang next shot,” aniya.

Sinabi rin ni Kris na pagkatapos niyang matanggap ang pangalawang shot, pupunta na siya at ang kanyang mga anak sa abroad upang makahanap ng iba pang treatments.

“After 5 days, praying nothing goes wrong, we finally go abroad & I continue my next doses of Xolair and finally tackle my autoimmune and other important health problems. In case magtatanong kayo, still just 85 pounds (38.5 kg),” sulat niya.

“Thank you for being part of my road to wellness & hopefully better quality of life journey w/ me,” dagdag ni Kris.

Noong Biyernes, nag-post si Kris at sinabi niya na may tiwala siya sa plano at timing ng Diyos.

“Please ‘wag natin i-claim that I’ll be healed, ‘wag natin S’yang pangunahan. I continue praying for the Faith to continue Hoping that I’ll get healthy enough for those who still need and love me.”

(ABS-CBN)

Instagram