Kamakailan, binatikos si Korina Sanchez ng ilang celebrities dahil sa kanyang post patungkol sa pagiging Covid-free.

Ang orginal post ni Korina ay: “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”

Hindi sumasang-ayon dito sina impersonator-online content creator Ate Dick at former “Survivor Philippines” castaway Kiko Rustia.

Sa ulat ng Manila Bulletin, nag-post si Ate Dick ng screenshot ng post na may caption: “KAYA KAYO TUMULONG KAYO KUNG AYAW NIYO MAGKACOVID.”

Samantala, sinabi ni Kiko na ang post ni Korina ay “sobrang off.”

Nag-tweet siya ng: “Wala sa lugar yung post nya, lalo na yung pag flex nya ng photo nyang yan plus that original caption. Sobrang off.”

Dahil dito, binago ni Korina ang kanyang caption ng: “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase baka nakakatulong yung may natutulungan din? Please bless and heal all those infected.”

Pero, hindi nakuntento si Ate Dick at muling ni-repost ang updated post ni Korina at sinabing: “AY WAIT BINAGO NA PALA CAPTION BASTA TUMULONG PA RIN OKEI.”

Pinagsabihan rin ng vlogger si Korina ng: “Tone deaf naman po Ms Korina.”

Sumagot naman ang journalists at sinabing: “Talaga ba? Nagpasalamat lang na di pa na covid tone deaf na? Baka ikaw? (thumbs down emoji).”

Pagkatapos nito, ibinahagi ni Ate Dick ang screenshot ng kanilang convo na may caption na: “HALA LAGOWT! SA DAMI NG COMMENTS TAYO ANG LUCKY WINNER SA GRAND DRAW!”

Binura na ni Korina ang viral post.

Kamakailan, nag-post ulit siya ng: “Thank you Lord. So many sick and infected. Ive never been positive—- even as Im all over for work I have to do. Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito.”

Sa comment section, mayroong isang netizen na nag-applaud kay Korina sa pagtanggal ng kanyang naunang post.

Korina answered: “Miscalculation of words in caption. This is what I meant.”

📷 @korina Instagram

(Manila Bulletin)

Instagram