Hindi maiwasan mag-isip isip ang mga netizens kung sino ang mystery sender na nagbigay ng bouquet kay Actress-singer Maymay Entrata.

Kamakailan, may ibinahaging larawan si Maymay sa kanyang Instagram ng isang bouquet na may kasama pang caption na “Thank you love (pleading face and heart emojis).”

Dahil dito, naghuhula ang mga netizens kung sino ang lucky guy.

Maraming nag-aassume na galing ang bouquet sa non-showbiz special someone ni Maymay.

Matatandaan na noong Abril 2021, confidently ibinahagi ng Kapamilya model na siya’y in love na.

“Sa totoo lang po may nag papasaya na po sa aking puso at nawa’y kahit anong maging desisyon namin ay respetuhin po yun ng aking mga taga supporta,” sabi niya.

Matapos ang ilang buwan, may mga usap usapan na gagawa ng sweet music si Maymay kasama si Donny Pangilinan.

Pero, madaling inaddress ng 24 year old aktress ang issue.

“Isa ito sa assumptions ng sa gayun ay ma-clear talaga. Hindi ako in a relationship kay Donny…” sabi ni Maymay.

“Or kay Edward (Barber) man,” dagdag niya.

Sino man ang kanyang special somoene, wala pang nakakaalam. Hindi pa sinasabi ni Maymay kung sino, pero one thing is certain, masaya siya sa kanyang current relationship kaya hintayin na lang muna natin ang kanyang revelation.

📷 @maymay Instagram

(Manila Bulletin)

Instagram