Matapos ang higit tatlong buwan simula noong tinamaan ng bagyong Odette ang Siargao Island, nakabalik na rin sina Andi Eigenmann kasama ang kanyang pamilya.

Sa Instagram page ni Philmar Alipayo, fiance ni Andi, makikitang nag-bonding sila sa isang beach sa Siargao kasama ang kanilang mga anak na sina Lilo at Koa.

“Morning dip before picking up ate (sister) Ellie at the airport,” sulat ni Philmar, kung saan tinutukoy niya ang anak ni Andi sa aktor na si Jake Ejercito.

Sa Manila panandaliang nakatira ang pamilya ng aktress matapos mawasak ang bahay nila dulot ng bagyo. Bago sila bumalik ng Siargao, pumunta muna sila sa Cebu, Davao at Agusan del Sur.

Dumating si Andi at ang kanyang pamilya sa isla noong Biyernes, Marso 25, habang ipinakita niya ang kanyang beach bonding moment kasama ang kanyang mga anak sa parehong lugar na pinost ni Philmar, na makikita sa kanyang Instagram page.

“Same same but different. Back to regular programming for the [happy island fam]!” aniya.

(Inquirer)

Instagram