Napahanga ang mga netizens sa kagandahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na tila mukhang candidate rin para sa 70th Miss Universe Competition.

Si Marian ang isa sa mga napiling judge para sa Miss Universe competition, at kahapon, ibinahagi niya sa Instagram ang kanyang mga larawan na nag-popose na tila may energy na nagpapakita, she’s ready to judge for the competition.

Sa isang larawan, Marian looks so fresh as she says good morning to the world.

Marian Rivera Instagram post

“Just about to start my day… Good morning!” sulat ng 37-year-old actress at philanthropist sa caption.

Dinagdagan niya rin ito ng hashtag na, “#MarianXMissU.”

Samantala, hindi mapigilan ng mga netizens na matuwa at mamangha sa kagandahan ni Marian.

“Akala ko candidate,” sulat ng isang netizen.

“Jusqooo nalilito nako kung sino lalaban sa miss Universe,” isa pang nagkumento.

“Uwian na talaga ate yan may nanalo na,” sabi ng isang netizen.

Sa isa pang larawan, mayroong siyang photoshot na suot ang puting damit, habang naka-embrace sa warm sunlight, kitang-kita talaga ang kagandahan ni Marian.

“Loving the energy here,” sulat niya sa caption, na may hashtag na #MarianxMissU.

Noong Lunes ng gabi, umalis sina Marian at ng kanyang asawa na si Dingdong Dantes ng Pilipinas papuntang Eilat, Israel.

Matapos makumpirma na bahagi siya sa 70th Miss Universe selection committee, sinabi ng aktress na “extremely honored and grateful” siya sa oportunidad na maging parte sa prestigious event.

Inaasahang sasali si Marian sa ilang mga pageant activities en route sa coronation night sa Disyembre 12.

📷 @marianrivera Instagram

Instagram