Muling pinasaya at napatawa ni Aiai Delas Alas ang mga netizens dahil sa kanyang kakaibang moves sa bago niyang TikTok video.

Sa TikTok video, makikita na rumampa si Aiai suot ang isang puti at bonggang outfit at sa di malamang kadahilanan, biglang kumuha ng mop at nagsimula siyang maglinis habang sumasayaw.

Habang naglilinis, tila naging dance floor ang sahig habang sinasayaw niya ang kantang “Button” na pinasikat ng American girl group na Pussycat Dolls.

Pinatunayan niya na isa talaga siyang comedy queen, at marunong siyang maghatid ng pampa-good vibes sa mga manonood.

Maraming netizens ang natuwa sa ginawa ni Aiai.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 22.7k views ang dance video ni Aiai sa kanyang TikTok account.

In-upload din niya ang kanyang video sa Instagram at sa ngayon, mayroon na itong mahigit 84k views!

@msaiaidelasalas

Ito ang tamang …. M.O.P

♬ Buttons Remix – Showmusik Sounds

(GMA Network)

Instagram