May mga rumors na lumalabas na nagsasabi buntis na ngayon si Yen Santos, at ang kanyang rumored boyfriend na si Paolo Contis, sinagot ang isyu patungkol dito.

Kahit hindi naman kinumpirma o directly itinanggi nina Yen at Paolo na sila’y may special something sa isa’t isa, maraming nang beses na nahuli sila ng mga netizens at napapaisip tuloy na magkasintahan silang dalawa.

Napansin ng mga netizens na discreetly tina-tag ni Paolo si Yen sa kanyang mga Instagram Stories. Noong kaarawan ng aktress, may ibinahagi silang mga larawan na dahil dito, inisip ng mga netizens na magkasama silang dalawa.

Sa gitna ng isyu, walang sinabi sina Paolo at Yen patungkol sa mga ito, at base sa ulat ng entertainment columnist na si Gorgy Rula sa Pilipino Star Ngayon, nais ng aktor na itigil na ang mga controversy kung mananahimik siya.

Ngunit, sa parehong ulat, mukhang hindi pa titigil ang mga rumors at issues hinggil sa kanya. Sapagkat, kamakailan lamang, may rumors na lumalabas na nagsasabi, buntis na si Yen Santos.

Nang tanungin si Paolo ni Rula patungkol dito, ang sinabi niya lamang ay, “Tinanong din sa akin ni Ogie (Diaz) ‘yan. May nag-blind item daw eh. Hula lang nila si Yen.”

Samantala, wala pang sinasabi si Yen sa isyu na ito, kung ano man ang katotohanan, kailangan maghintay pa ang mga netizens upang malaman talaga kung tunay ba ang mga rumors.

📷 @paolo_contis Instagram

(PhilNews)

Instagram