Ginulat ng Kapamilya actor Paulo Avelino ang mga tao nang aminin niyang hinihintay niya si Janine Gutierrez.

Nais niyang ligawan si Janine, kung handa na ang Kapamilya aktres sa isang relasyon.

Sa isang finale virtual press conference ng kanilang hit series “Marry Me, Marry You,” tinanong sina Janine at Paulo ni veteran showbiz columnist Jun Lalin kung sila ba ang susunod na magkakaroon ng relationship tulad nina Cherry Pie Picache at Edu Manzano.

“Gusto ko lang sumagot na lahat kami ay naiinggit kay Miss Pie at Tito Edu ‘pag nakikita namin silang magkasama. Walang tatalo sa ka-sweetan nila,” sagot ni Janine.

Pero ang sinagot ni Paulo ay hinihintay niya daw si Janine.

“Si Janine lang naman hinihintay lagi e. So tignan natin kung hindi kami masyadong busy this year. May sari-sarili din kaming gagawin for this year,” aniya.

Ibinahagi ni Paulo sa nakaraang press conference ng series na nagkaroon silang dalawa ng past ni Janine bago maging boyfriend ng aktres si Rayver.

“Kasi, parang… kumbaga… alam ko, itatanggi na naman ako ni Janine. Lumabas na kami dati, hindi lang…” sabi ni Paulo.

“Kung mangyayari ngayon, kung ngayon ang pagkakataon na ito na single siya and single din ako, e, di… OK,” dagdag niya.

Sana everything will work out sa pagitan nilang dalawa at who knows, sapagkat meron namnag tinatawag na second chances.

📷 @janinegutierrez Instagram

(PhilStar)

Instagram