Kabilang si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa mga Top favorites na makakakuha ng korona sa 70th Miss Universe Competition na gaganapin sa Eilat, Israel.

Napasama si Beatrice sa “First Hot Picks” list ng leading beauty pageant website na Missosology, kung saan nasa ika-walong pwesto siya kasama ang iba pang candiates na nagpakita agad ng gilas at husay, ayon sa core group correspondents at experts ng nasabing website.

Mapapanood nang LIVE ang 70th Miss Universe Competition pagdating ng Lunes, Disyembre 13 sa A2Z channel 11 simula 7:30 am.

Samantala, napahanga at na-amaze ang mga pageant fans sa kagandahan at sa unique personality ng Cebuana beauty.

Ibinahagi naman ni Beatrice na hinahangan niya ang reigning Miss Universe na si Andrea Meza ng Mexico pagdating sa kanyang approach at paghahanda para sa kumpetisyon, ito’y batay sa ulat ni Dyan Castillejo para sa “TV Patrol.”

📷 @Missosology FB page

“All of the girls last year were equally gorgeous and intelligent but if there’s one thing that I learned from Ms. Andrea Meza was that she was just being herself. She was not trying so hard. And it is very important to be who you are,” sabi ni Beatrice.

“Being Bea Luigi Gomez is her biggest weapon,” sinabi ni Miss Universe Philippines Organization director for communications na si Voltaire Tayag sa parehong ulat.

“She’s the first ever openly bisexual (candidate). She’s also part of the Philippine Navy Reserve. She’s a volleyball player and she’s also a community development worker. So napaka-daming parts na napaka-interesting niyang tao,” paliwanag niya.

Kasama rin sa Top Favorites na mananalo sa kumpetisyon ang mga delegado mula Japan, Chile, Puerto Rico, Brazil, Venezuela, Spain, India, Colombia, at Paraguay, ang “heavy favorite” ngayong taon.

Kaya get ready Miss Universe Competition, dahil mag-iingay muli ang mga Pinoy upang itaas ang bandila ng Pilipinas para masuporthan ang Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa kanyang journey upang maiuwi ng bansa ang korona.

Good luck po, Miss Beatrice!

Mapapanood ang kumpetisyon LIVE sa Dis. 13, 7:30 a.m. sa A2Z channel 11 at may same day replay ng 11 p.m.

Maaring panoorin ito muli sa Kapamilya Channel pagdating ng Dis. 19, 10:30 p.m. at Metro Channel sa Dis. 20 (7 p.m.), sa Dis. 22 (1 p.m.), at Dis. 25 (10 p.m.). Isi-stream din sa iWantTFC ang mga replay.

📷 @Missosology website

(Manila Bulletin)

Instagram