Nahanap na ni Rabiya Mateo ang kanyang kasiyahan matapos ang sunod-sunod na naranasan niyang mga heart breaks.

Inilarawan ng 2020 Miss Universe Philippines queen ang taon na ito bilang “rollercoaster” pero tatapusin niya ang 2021 na “single and [very] happy.”

“Now, I’m happy, but it doesn’t mean that I have someone with me,” sabi ni Rabiya sa isang exclusive interview ng GMA Digital.

“Maybe I’m happy because I know I’m stable and, should anyone come into my life, I guess now, I’m ready to know that person,” dagdag niya.

Kinoronahan bilang Miss Universe Philippines si Rabiya noong Oktubre 2020, at ngayong 2021, maraming siyang naranasan na mga heart breaks.

Kabilang na dito ang hiwalayan sa kanyang longtime boyfriend na si Neil Salvacion matapos ang pageant.

Emotional din siya nang hindi niya nasungkit ang korona sa 69th Miss Universe kung saan si Andrea Meza mula Mexico ang nagwagi.

Pero, matapos ang ilang buwan, ipinakilala niya ang kanyang fresh side sa pamamagitan ng pag labas sa telebisyon bago niyang opisyal na ipahayag na sasabak siya sa bagong yugto ng kanyang buhay bilang artista.

“[I’m] single and super happy, but maybe not yet available for the meantime,” aniya.

“Maybe it’s because I’m still enjoying the fact that I’m putting my career first, and I might not be able to do it all at once,” dagdag niya.

Siya’s isang Kapuso at bahagi ng GMA Network.

📷 @rabiyamateo Instagram

(GMA Network)

Instagram