Ikinuwento ni senator-elect Robin Padilla ang nangyari sa kanya sa Spain matapos isugod sa ospital dahil sa panghihina at pagkahilo.

Sa Facebook, isinalaysay ni Padilla na bigla na lamang siyang nanghina at nahilo habang namamasyal sila sa Madrid.

Aniya, “Napakahirap intindihin ng nangyari sa akin. Wala akong kahit Anong sakit pero bigla na Lang ako nawalan ng lakas sa tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno.

“Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong hilo ako. May espanyol ako na naririnig ko sa paligid ko Kinakausap ako parang Nais niya ako alalayan ilang sandali ay lumiwanag ang paningin ko.”

Isang taga roon raw ang tumulong sa kanya para makatayo.

Nang suriin sa clinic, 200/150 raw ang blood pressure niya at nagulat daw ang nurse kaya inulit ulit pero hindi pa rin ito bumababa kaya nagdesisyon sila na dumeretso sa ospital.

Umaasa ang senator-elect na dala lang iyon ng kanyang pagtanda.

Instagram