Ikinatuwa ng mga netizens na dinala ni Kapuso Prmetime Queen Marian Rivera sa 70th Miss universe ang kanyang dance moves ng “Sabay Sabay Tayo,” kung saan nag-trending siya sa Twitter.

Pormal na nagsimula ang prelimanary competition ng Miss universe Competition na ginaganap sa Israel. Maaga pa lang sa kumpetisyon, at makikita mo agad ang gilas at kagandahan ng mga candidates.


Pero pampa-good vibes muna tayo, habang nangyayari ang kumpetisyon, isa sa mga selection committee, si Marian, ay makikitang tinuturuan ang kanyang fellow judge na si Bollywood actress Urbashi Rautela mula India ng choreography ng “Sabay Sabay Tayo.”

Mapapangiti ka sa duo ng dalawa.

“Go Marian! Caviteña ghourl represent!” sulat ni @nelsonadrian isang Twitter user.

Katabi ni Marian ang supermodel at dating Victoria’s Secret Angel na si Adriana Lima, na bahagi rin sa judging committee.

Samantala, ang hosts ng Miss Universe ngayong taon ay sina Carson Kressley at Miss Universe 2020 Andrea Mesa, kung saan ipinakilala nila si Marian bilang isang “award-winning actress, TV host, and the most followed Filipino celebrity on Facebook.”

“This award-winning actress and host is the Philippines most follow a celebrity on Facebook let’s give her like and follow to Marian Rivera,” sabi ni Andrea.

(PhilStar)

Instagram