Ibinahagi nila Sarah at Matteo Guidicelli kung ano ang kanilang holiday traditions bilang mag-asawa, at maghanda, sapagkat kikiligin ka sa kanilang mga sagot.

Sa isang panayam ng the STAR, sinabi ni Matteo na ang Christmas season ay isang “family time.”

“And giving back to people,” dagdag ni Sarah.

“And eating a lot and just having a good time,” masayang sinabi ni Matteo.

Nag-take rin sila ng trip down to memory lane, kung saan naalala nila ang kanilang kauna-unahang performance na magkasama. Ito yung nag-duet sila ng Prince song Kiss sa US concert ni Sarah noong Hunyo 2013.

Sa panahong ito, inamin ni Matteo na crush niya na ang pop superstar.

Nang tanungin si Matteo kung anong memory ang kanyang hindi malilimutan sa kanilang performance, ang sagot niya ay, “Her hands.”

“’Wag kang makulit love,” react ni Sarah, “kasi very chubby hands (ako) nung 2013, hahaha!” paliwanag niya.

“No, it’s not chubby, it’s like little sausages,” biro ni Matteo. “No, she has beautiful hands. And that was the memory I had when we did Kiss — (she offered) her hand when she did Kiss, and I grabbed her hand and that changed my life! (I thought to myself) whoa, it’s different hahaha!”

Nakakakilig talaga ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.

At kung meron daw salita na nakakapaglarawan ng kanilang pagsasama sa stage, ito ay “authentic.”

“You know, at the end of the day, what we are on stage is authentic,” sabi ni Matteo, sa kung paano sila nag-cocomplement sa isa’t-isa hindi lang bilang lifetime partners kundi pati na rin sa stage bilang performers at collaborators.

Sumangayon dito si Sarah at sinabing, “Ako, honest talaga ako sa kanya.”
“Yeah. But I’m honest with you always,” singit ni Matteo, “I’m always very, very honest. It’s nice because it’s very authentic and real.”

Patuloy ni Sarah, “Si Matt is very professional. Na-amaze kasi ako sa kanya…‘Pag meron siyang goal, akala mo sa umpisa parang seryoso ba ‘to? Pero magde-deliver at magde-deliver talaga.”

“Nakakatuwa, nakaka-inspire,” dagdag niya.

“Thank you, love, thank you very much. On a serious note, it’s the wife that inspires me,” sabi ni Matteo na punong-puno ng kasiyahan.

Sa kanilang ikalawang Pasko na magkasama bilang mag-asawa, magkakaroon sila ng isang intimate virtual concert, Christmas With The G’s sa Dec. 18, na may 16 songs performance, at may story-telling rin in between.

(PhilStar)

Instagram