Gulat at naging frenzy ang mga fans nang ibinahagi ni Sharon Cuneta sa social media na ang kanyang ex-boyfriend na si Rowell Santiago, ay ang kanyang, “The One that Got Away.”

Nag-post si Sharon ng isang old photo nilang dalawa ni Rowell sa kanyang Instagram at inamin niya rin na si Rowell ang isa sa mga taong she “can never live without.”

“I can live without most everyone else (*including any other ex!) outside of my family, but I can never live without this boy in my life,” sulat niya sa caption.

At ang pinaka-shocking talaga para sa mga fans ay nang sabihin ni Sharon na kinokonsidera niyang “TOTGA” o “the one that got away” si Rowell.

“One of my best friends, TV show and concert director, leading man. Always the lovest. Like Kiko, his heart is so pure. So decent. A true gentleman. Truly TOTGA,” sulat niya.

Ito ang nagpapatunay na meron talagang hanggang, “friends lang.” 😆

Magsasama ulit si Sharon at si Rowell onscreen sapagkat kasama na ngayon si Sharon sa cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Si Rowell ang gumaganap bilang President Oscar Hidalgo/Mariano sa action-drama na produce ng Dreamscape Entertainment

“Ang Probinsyano” airs weeknights sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel at Facebook page, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Si Sharon ay married na kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan noong 1996, at mayroon silang dalawang anak na babae at isang adopted son.

📷 @reallysharoncuneta Instagram

(ABS-CBN News)

Instagram