Mukhang happy at in love si Sheryn Regis sa kanyang mga bagong upload na larawan sa social media.

Naging laman ng balita ang mga nakakaintrigang romantic post ng singer kasama ang LGBT member at Youtuber na si Mel de Guia.

Sa kanyang Instagram, nagpost si Sheryn ng mga sweet photo nilang magkasama na may caption na “YES!” na tila ba sagot sa tanong ng mga umaabang na Marites online.

Mukhang aprub naman sa mga netizens ang kanilang relasyon dahil marami ang positive comments na kanilang natanggap.

May mga fans na nag-congratulate at pati na rin ang kanilang ibang kaibigan sa showbiz tulad ni Ice Seguerra.

Nitong December 3, unang nag-post sa Instagram si Sheryn ng  litrato kung saan magka-holdings sila ni Mel.

Instagram