Kamakailan, nag-positibo sina Shaina at Rosanna sa Covid-19 at kasalukuyan nasa quarantine. At sinigurado nina Coco Martin at Julia Montes na iparamdam sa kanilang dalawang fellow “FPJ’s Ang Probinsyano” cast members ang pagmamahal at ipaalala na hindi sila nag-iisa sa pagbigay nila ng mga prutas at bulaklak.

Naging masaya naman si Shaina sa natanggap niyang mga prutas at bulaklak at nag-post siya ng pasasalamat at appreciation sa dalawa.

“Ay sus naman. Your love and messages are enough but thank you for this! Love you both, my dear Rodel and my dear baby sis Julia,” sulat niya.

Nagbigay rin ng update ang aktress sa kanyang mga fans, “Most of the people I know are positive/recovering….. Thank God my family is safe and healthy. #Grateful for friends and family who have been checking on me every single positive day.”

“Praying for everyone’s safety… May Your HEALING cover our minds and bodies. Fill our hearts and minds with your #peace. Heal and strengthen us, O Lord. Amen,” dagdag ni Shaina.

Nag-post rin ng larawan si Rosanna na nagpapakita ng natanggap niyang regalo mula kay Coco at Julia.

Ibinahagi niya rin ang halaga ng rest at proper diet.

“Dahil positive …hindi pwedeng magpabaya sa tulog at pagkain,” was how she put it. “Kainin mo lahat ng gusto mo…ingatan lang ang mga taong maghahatid sa yo. Naglaway ako sa kinilaw. Buti may stock ng Tuna sa bahay. Mamaya tinolang Native na manok naman. Para gumaling agad.”

Maraming paraan para ipaabot natin ang ating concern at pagmamahal sa kapwa lalo na ngayong panahon ng pandemya. Sa simpleng message o padala lang ng mga prutas at bulaklak sa mga naapektuhan ng sakit, makakatulong ito ng malaki sa kanilang recovery, kaya spread the love!

(Manila Bulletin)

Instagram