Ibinalandra ni Sofia Andres ang larawan ng kanyang maputing kili-kili sa Instagram.

Tila pasaring ito ng ABS-CBN actress sa mga netizen na nangutya sa kanyang kili-kili nang lumabas sa socmed ang mga larawan ng kanyang floral tattoo na gawa ng Cebuano minimalist tattoo artist na si Jello Talaboc nitong Abril 5, 2022.

Nag-upload si Jello ng larawan ng kanyang gawa kung saan na-expose din ang kili-kili ng aktres na na-bash ng ilang social media users.

May be an image of 1 person and tattoo

Nitong Biyernes, Abril 8, 200, ibinida ng aktres ang palaban na kili-kili at hinamon ang mga bashers na mag zoom-in.

“What h*ck is wrong with people. Zoom it in all you want,” caption nito.

Inulan naman ng mga positibong komento mula sa mga kapwa celebrities at fans ang comment section nito.

Instagram