It’s official!

Kinasal na ang “It’s Showtime” couple na sina Vice Ganda at Ion Perez sa Las Vegas kung saan pinahihintulutan ang same sex marriage.

Kahapon, February 13, 2022, sa kanyang 14-minute Youtube vlog na may titulong “What Really Happened in Las Vegas?” ibinahagi ni Vice ang naging kasal nila ni Ion Perez last October 19, 2021.

Screen grab from Vice Ganda/YouTube

Suot ang kulay puting mga outfit, binigkas ng dalawa ang kanilang mga vows.

“Nandito ako na buong-buo ‘yung loob ko na makasama ka. Wala akong ibang masabi kundi mahal na mahal kita,” ani Ion.

Screen grab from Vice Ganda/YouTube

“Mahal na mahal din kita…. Ang saya-saya ko na ikaw ang kasama ko ngayon at ikaw ‘yung kasama ko kahapon at ikaw ‘yung makakasama ko pa rin bukas at sa mga susunod na araw. ‘Yun ang pinagdadasal ko na sa mga susunod na araw, ikaw pa rin ‘yung kasama ko at ako pa rin ‘yung kasama mo,” sagot naman ni Vice.

Dagdag pa ng komedyante, “Sa lahat ng gagawin ko sa buhay ko, isa ka sa magiging inspirasyon ko. You will be one of the best reasons for all of my achievements. And I promise, na isa ka sa magiging dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay ulit bukas at sa mga susunod na araw.”

Screen grab from Vice Ganda/YouTube

Ipinakita rin ng dalawa ang kanilang wedding ring at ang pagpirma ng kanilang marriage contract.

Screen grab from Vice Ganda/YouTube

PANOORIN DITO ANG VLOG:

Instagram