Trending ngayon sa social media ang video ng isang kasalan kung saan mapapanood ang todo tangging bride sa halik ng kanyang groom sa Tagum City.

Makikita sa video na inutusan ng pari ang groom na si Victor na halikan ang bride na si Wena pero tila ayaw tanggalin ng bride ang kanyang facemask.

Photo: Screengrab from DODZ TOUR TA!/Youtube

Nang tanggalin ang mask at akmang hahalikan na siya ng groom ay todo iwa ito.

Tinakpan pa niya ang bibig nang subukan ulit siyang halikan ng mister.

Sinubukan pa siyang ikabg ng groom pero ayaw talaga nitong magpa-kiss kaya nagsitawanan ang mga dumalo sa kasal kabilang na ang pari.

Maging sa picture-taking ay ayaw pa rin ng bride na magpahalik hanggang sa nakanakaw ito ng smack sa labi.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens na mayroong naaliw habang ang iba naman ay naimbyerna sa dahil raw sa pag-iinarte ng bride.

Instagram