Naglabas na ng public apology si Will Smith kaugnay sa pagsampal nito sa komedyanteng si Chris Rock sa katatapos lang na Academy Awards.

Una rito, sinapak ni Smith si Chris sa live telecast ng 94th Academy Awards dahil sa pagbibiro nito tungkol sa buhok ng kanyang asawang si Jada Pinkett-Smith.

Pinaulanan niya rin ito ng F word, ”Keep my wife’s name out of your f**king mouth.”

Humingi naman kaagad ng sorry si Smith sa mga kapwa nominees at sa Academy sa kanyang naging speech sa pagtanggap ng best actor award pero hindi nito binanggit si Chris.

“I want to apologize to The Academy. I want to apologize to all my fellow nominees. This is a beautiful moment, and I’m not crying for winning an award. It’s not about winning an award for me. It’s about being able to shine a light on all people,” saad ni Smith sa kanyang speech.

Idinaan naman ni Smith ang pag-sorry kay Chris sa Instagram at tinawag na “unacceptable and inexcusable” ang kanyang inasal.

Kaugnay nito, ayon sa Los Angeles Police, hindi magsasampa ng kaso si Chris laban kay Will.

Instagram