Marami ang naging interesado sa job posting ni veteran dancer-choreographer Anna Feliciano para sa TV show na “Wowowin.”

Inanunsyo ni Anna sa Facebook na naghahanap sila ng tatlong dancer na magtatrabaho Lunes hanggang Sabado ag magsasahod ng P70,000 a month.

“I need 3 more dancers for Wowowin. Send me your dance samples if interested. Stay-in/out @ Wil Tower. Mondays to Saturdays 7-8:30pm. 70k monthly,” caption niya.

Iba’t-iba naman ang naging reaksyon dito ng mga netizens.

“Pagod na ako Mag-Engineering parang gusto ko na lang gumiling-giling,” komento ng isa.

“Interested po kaya ko po mag freestyle any music mapa slow man or fast music.. manifesting mapili,” sey pa ng isa.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 39K shares at 25K comments na ang post ni Anna.

“Nakakatuwa ang mga comments. Thank you sa warm support,” comment niya sa post.

Instagram