Kinilig ang mga kapwa artista at manonood sa Star Magic All Star Games sa surprise marriage proposal ni Zeus Collins sa kanyang longtime girlfriend.


Nagpanggap si Zeus na nasaktan nang mabangga ng kalaro at kaya lumapit ang nobya at inalok niya ng kasal


“Hindi ko na sasayangin itong pagkakataon na ito ngayon. Sa harap ng mga kaibigan ko at ng mga madlang people, ngayon ko lang ito gagawin at sana last na ito. Myka Pauline Redondo, will you marry me?” bahagi ng speech ni Zeus.


Naghiyawan ang mga manonood lalo na nang umoo si ang kanyaang gf na si Pauline Redondo.


Tatlong taon nang magkasintahan ang sikat na Hashtag member at ang kanyang nobya.

PHOTO COURTESY: Nice Print Photography/Facebook

Instagram