Sang-ayon ang ilang netizens sa pahayag ng komedyanteng si Pokwang kaugnay sa boluntaryong pagsusuot ng facemask.

Ayon nga sa tweet ng aktres, magsusuot pa rin siya ng face mask dahil nirerespeto niya ang kalusugan ng ibang tao.

<blockquote class=”twitter-tweet”><p lang=”tl” dir=”ltr”>Well kanya, kanya tayo ng pananaw at opinyon pero mag mask parin ako dahil nirerespeto ko kalusugan mo at ng kasama mo sa bahay na maaaring mahawa mo na nakuha mo sakin kung di ako naka mask.</p>&mdash; marietta subong (@pokwang27) <a href=”https://twitter.com/pokwang27/status/1569991258281746433?ref_src=twsrc%5Etfw”>September 14, 2022</a></blockquote> <script async src=”https://platform.twitter.com/widgets.js” charset=”utf-8″></script>

Sa kabila ito ng inilabas na Executive Order No. 3 ng gobyerno na boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor areas o lugar na may sapat na bentilasyon.

Komento ng ibang netizens, “Yes,ako rin po dahil may kasama akong mga lola at lolo sa bahay ay magma mask pa rin ako dahil ako ang magiging dahilan kung sila ay magkakasakit kaya tamang asal lang gaya ni mamang Pokwang.”

“Agree mamang! baka yung iba magpetiks na! maging responsable pa din,” pagsang-ayon ng isa.

Instagram