Naranasan mo na bang pakiligin ng taong mahal mo ?

O naranasan mo na bang mainip sa taong mahal mo dahil sa haba ng relasyon niyo hindi parin ito nagyayaya na magpa kasal na kayo?

Ang istorya sa likod ng viral proposal ng mag kasintahan sa sikat na Manika view point sa bayan ng Libacao.

September 26, ng umaga taong kasalukuyan ng pakiligin ni Patrolman Jhilbert Villorente ang kanyang kasintahan na si Maria Christy Methelyn Zaldivia.

Unang nagkakilala sina Jhilbert at Methelyn sa Guadalupe National High School sa bayan ng Libacao noong first year high school.

Magkaklase ang dalawa at crush ni lalaki si babae.

Lagi daw nanghihingi ng piso si Methelyn kay Jhilbert dahil crush nya ito lagi nya raw itong binibigyan.

Sa loob ng apat na taon nilihim ni Jhilbert ang kanyang pag-ibig kay Methelyn hanggang sa nagkaroon ng boyfriend si babae noong fourth year high school ito.

Pagkatapos ng kanilang high school life di na sila nagkita at nagkaroon ng kanya-kanyang karelasyon sina Methelyn at Jhilbert.

Pagkatapos ng tatlong taon nagkita ang dalawa pero pareho din silang may karelasyon.

Ayon kay Jhilbert noong nakita nya si Methelyn tatlong taon ang nakalipas ay hindi parin nawala ang kanyang pag-ibig.

Hanggang namalayan nya na lang na unti unti nang nawawala ang kanyang pagmamahal sa kanyang karelasyon.

Hannggang sa makalipas ang anim na buwan ay nag hiwalay sila ng kanyang kasintahan at nagkaroon na siya ng pagkakataon na makipag-usap kay Methelyn.

Pero may karelasyon din si Methelyn sa panahong single na si Jhilbert.

Hanggang dumating ang panahon na naging single na sila pareho at doon na nag simula ang matamis nilang pag iibigan.

Maraming mang tutol sa kanilang relasyon pero pinaglaban nila ito dadhil alam nilang nagmamahal sila pareho.

Pero hindi lang pala sapat ang pagmamahal lang para pakasalan ka ng taong mahal mo.

Mahaba-habang panahon din na nagsama ang dalawa hanggang sa biniyayaan sila ng dalawang supling.

Marami na ring hiwalayan ang nangyari sa kanilang relasyon pero mas pinili parin nilang ayusin ang kanilang relasyon.

Marami mang pagsubok problema at iba pa ang dumating sa kanilang relasyon ay mas pinili parin nila ang isat isa.

Pero minsan nag dududa na ang babae dahil sa haba ng kanilang relasyon ay hindi parin ito pinapakasalan ang tangi lamang nyang pinang hahawakan ay ang salitang binitawan ni Jhilbert na kahit anong mangyayari ay mahal nya ito at hindi ito iiwanan.

Sagot naman ni Jhilbert ay hindi nya pa pinapakasalan si Methelyn dahil sa financial na problema at hidwaan sa pamilya.

Pero dumating na ang araw na handa na itong magpakasal.

Kaya pinagplanuhan nitong mabuti ang pag propose sa kanyang minamahal.

Naging kakuntsaba ni Jhilbert ang ka officemate at kaibigan ni Metheyln para sa surpesa nitong proposal at pagbili ng singsing.

Ilang gabi bago sila pumunta sa Manika ay kinakabahan si Jhilbert dahil lagi itong lumabas ng kanilang bahay at mayroong katext.

Ang mga pagdududa at kaba ng mga gabing iyon ay napalitan ng kasiyahan ng puso ng dumating na ang araw na kanyang inaasam.

Dahil sa kasikatan sa ngayon ng Manika view point sa bayan ng Libacao na dinadagsa ng maraming tao mas pinili ni Jhilbert na doon sya mag propose para maging memorable at hindi makalimutan ng taong mahal niya at para narin ipagsigawan sa buong madla at iparamdam ang salitang you are worth the wait.

Sa sobrang kilig at saya napaluha na lamang si Methelyn dahil ang kanyang pangarap na kasal ay matutupad na.

Ika nga maaring sa ngayon hindi ikaw ang unang minahal ng taong mahal mo pero darating ang panahon na ikaw naman ang huling taong pipiliin at mamahalin nya.

Ang tunay na kasiyahan sa pag ibig ay ang mag mahal at mahalin dahil hindi lahat ng pumapasok sa isang relasyon ay mahal ka talaga at kaya kang ipaglaban.

Kaya kapag natagpuan mo na ang taong hindi mo alam kung bakit mo minahal wag mo nang pakawalan pa dahil ang pag ibig ay walang basehan at walang sukatan.

Ayon nga kay Jhilbert mahal nya si Methelyn simula pa noong una silang nagkakilala at hindi iyon mawawala.

Sagot naman ni Methelyn mahal nya si Jhilbert at nag papasalamat ito na kahit ilang beses nya pa itong ipagtabuyan ay andyan parin ito sa kanya para patunayan ang wagas nitong pagmamahal.

Kaya wag ka maghanap ng taong makakaintindi sayo ang hanapin mo yung taong kahit hindi ka naiintindihan hindi kapa rin iniiwan.

Marami mang linggwahe ang pag-ibig kanya kanyang pakulo kung paano natin ito iparamdam sa taong mahal natin ang mahalaga kaya mong manindigan hindi lamang sa salita kundi gawa.

Sa mga taong hindi pa nahanap ang kanilang forever wag kang mangamba dahil hindi ka nag-iisa.

Dahil ang pag ibig hindi minamadahil ika nga love is patient at pag dumating na ang taong naka tadhana sayo masasabi mo nalang na you are worth the wait.

Instagram