MAGBABALIK ANG HENYO.

Muling magbabalik sa hardcourt sina Sakuragi, Rukawa at ang koponan ng Shohoku sa Slam Dunk movie sa Fall 2022.

Ang sikat na ‘90s basketball anime series ay magkakaroon ng pelikula at nakatakdang ipalabas sa susunod na taon.

Isinulat ang pelikula at pangungunahan ang direksyon nito ni series and manga creator, Takehiko Inoue.

Nito lamang na August 13 ay nag-post si Inoue ng teaser video sa Youtube na tampok ang mga animators at producers ng anime film.

Instagram