Pinuri ni PNP Chief Eleazar si Police Executive Master Sgt. Cesar Pinuela ng Jaro Police station dahil sa pagsasagawa nito ng Bible study at community pantry.

Maliban sa pangangaral ng Salita ng Diyos sa detenado ng Jaro District, Iloilo City Police Station 3, nagpamalas din ng mabuting gawain si Pinuela tulad ng pagsasagawa ng feeding program at pamimigay ng mga face shield sa mga residente.

“Saludo ako sa ginagawang serbisyo ni PEMS Pinuela para sa kanyang mga kababayan sa Iloilo City. Kung para sa iba’y maliit na bagay lamang itong kanyang pagtulong, sa iba’y napakalaking bagay na itong maituturing,” pahayag ni Eleazar.

Ayon pa sa PNP chief, binibisita rin ni Pinuela ang mga kapatid na Muslim para magpasalamat sa kanilang suporta sa anti-criminality campaign ng lokal na pulisya.

“Ngayong panahon ng pandemya, mas kailangan ang mga pulis na gaya ni PEMS Pinuela na hindi nauubusan ng paraan para makapagtaguyod ng tulong sa kanyang kapwa,” saad ng PNP Chief.

Instagram