Para maging productive, kailangan ng tamang pahinga.

Katunayan, ayon sa mga eksperto kahit ang simpleng pagpa-power nap sa gitna ng trabo o habang break, ay malaki ang maitutulong sa ating kalusugan at pag-iisip.


Ngunit, paalala ng mga eksperto, mayroong tamang paraan ng pag-power nap o pag-idlip.

Ano nga ba ang mga paraan β€œOn how to do it effectively?”

Una, the best time para mag-power nap ay pagkatapos ng lunch o sa kalagitnaan ng 1pm hanggang 4pm, 25-30 minutes lang ng power nap ay tama na upang maibalik ang nawalang energy sa katawan, after working so hard, and meeting deadlines.

Pangalawa, uminom ng kape o tsaa at agad na mag-power nap. Aabutin na 15-20 minutes bago umepekto ang caffeine sa katawan, kaya sakto lamang ito para makondisyon ang ating katawan for resting.

At sa oras na gising ka na, ikaw ay makakaramdam ng pagiging β€˜alive and wide awake’, dahil sakto lang ang pagrock-in ng caffeine sa iyong sistema at ma-energize ang iyong pag-iisip at katawan.

At ang pangatlo at panghuli, Put power napping in practice. Hindi yung tipong kapag natripan mo lang o kung sumpungin ka lang.

I-schedule lamang ito at gawing habit o routine. Isa itong paraan para ma-kondisyon an gating katawan sa tamang pamamahinga.

Paliwanag ng mga eksperto, malaki ang role ng pahinga sa ating sistema.

Hindi lamang upang makapag-pahinga, but also a way to become productive and efficient bilang empleyado every single working day.

Instagram