Nawawalan ka na ba ng gana kapag magkatabi kayo ng iyong mahal?

Kung may mga pagkain at inumin na nakakabawas sa init ng pakikipagtalik, meron din pa lang mabisang pampagana at hindi ka kaagad malo-lowbat kahit kulang sa tulog.

Dapat niyong malaman na may mga pagkain at inuming nakakapagbigay ng gana kung gusto mong makipag-‘love making’.

Napag-alaman na isa dito ang spinach na ayon sa mga health expert ay nakakatulong na mas maging mainit sa pakikipagtalik.

Ito ay dahil ang spinach ay kilalang mayaman sa folic na kilala bilang ‘sex nutrient’.

Bukod dito meron itong magnesium na tumutulong para mag-expand ng mga blood vessels at maging maayos ang daloy ng dugo sa genitals na nakakalikha ng matinding ‘arousal’ mapalalaki o babae man.

Maging ang pag-inum ng tsaa ay sinasabing effective sa sexual health dahil sa taglay nitong antioxidants na nakakatulong sa maayos na blood flow sa katawan para sa sex power.

Kaya payo ng mga eksperto, kung nawawala na ng gana kay misis o mister puwede mo itong subukan para sa “happy sex life”.

Basta tandaan, lahat ng sobra ay nakakasama.

Instagram