Pinangalananan na ng ABS-CBN ang magiging dyosa ng mga ahas sa upcoming series na Darna.

Si Kapamilya actress Janella Salvador ang gaganap bilang Valentina na kakalaban kay Darna na gagampanan naman ni Jane de Leon.

“Dyosa ng mga ahas, pinangalanan na! Si @superjanella ang gaganap sa papel ni Valentina sa inaabangang ‘Darna’ series ng ABS-CBN! #TheValentinaReveal #DarnaTheTVSeries,” sulat ng ABS-CBN PR sa kanilang caption.

“Good afternoon mga Kapamilya! Ako po si Janella Salvador and I am Valentina. First of all, I’m very very honored to be chosen among the many actresses who auditioned for this role. I’m sure they were all equally as amazing,” pahayag naman ni Janella sa kanyang introduction.

(With reports from: ABS-CBN, Latest Chika)

Instagram