Kumita ng mahigit $126 million ang concert film ng American singer-songwriter na si Taylor Swift na The Eras Tour na nangibabaw sa mga sinehan noong weekend sa buong mundo

Nagset naman ng panibagong record si Taylor bilang biggest concert film opening weekend.

Naka likom ito ng $95 million na galing sa North American theaters at $31 million naman galing sa ibat-ibang bansa.

Tinalo nito ang kasalukuyang may hawak ng record na si Justin Bieber sa kanyang Never Say Never concert film. Kumita naman ito ng $41 milyon sa mga sinehan sa North America at $138 milyon sa buong mundo.

Para sa kabuuang mga benta ng tiket, ang “This Is It” ni Michael Jackson noong 2009 ay hindi pa naalis sa trono na nakalikom ng $105 milyon sa North America at $380 milyon sa buong mundo sa kabuuan nito.

Ang “Taylor Swift: The Eras Tour concert film” ay maaring mapanuod sa mga sinehan sa bansa hanggang November 5.

Instagram