Ibinebenta ng social media personality na si Whamos Cruz ng P45 million ang kanyang three-story house sa Cainta, Rizal.

Ayon sa post ng partner nitong si Antonette, furnished ang bahay na may mahigit limang bedroom na may ensuite toilet and bath, game room, basketball court at roof deck.

Maliban sa bahay, nagbenta rin ng mga ginto si Whamos kay Boss Toyo na umabot din sa million ang halaga.

Marami ang nagbash at nagsabing naghihirap na ang dalawa dahil dito.

Paliwanag naman ni Antonette, matagal ng naka for sale ang bahay sa Cainta, “So bakit nga ba binebenta namin yung bahay sa Cainta at bakit nagbenta si mahal ng alahas niya. Yung sa Cainta guys, matagal na yung naka for sale and sa ginto, eto lang binenta ni mahal kay boss Toyo lately.”

Dagdag pa niya, “Binenta niya yung ginto kasi gusto niya bilhin ng bago and yung sa bahay naman is may kailangan kami paglaanan na gustong-gusto namin bilhin, yung mas better pa.”

PHOTOS: Antonette Gail Del Rosario/Facebook

Instagram