Manunumbalik ang English singer-songwriter na si Ed Sheeran sa Pilipinas para isagawa ang kaniyang + – = ÷ x(Mathematics) Tour na gaganapin sa SMDC Festival Grounds, Paranaque City sa March 9, 2024.

Siya ang hitmaker sa likod ng “Perfect,” “Shape of You,” “Photograph,” “Lego House,” at marami pang kanta.

Ayon sa Facebook post ng nasabing singer, magsisimula ang kaniyang tour sa pagpasok ng taong 2024 sa buong Asia at sa Europe naman buong summer.

Matatandaang si Ed Sheeran ay nakapag-concert na sa Manila noong 2015 at 2018.

Instagram