Maging si Kim Chiu, kahit madalas makitang nag susuot ng mga kilalang brand ng damit, ay umamin na siya rin ay nag susuot ng mga nabibili sa ukay-ukay!

Sa interview ng PUSH, nai-kwento ni Kim na madalas siyang bumibili ng mga pantalon galing sa ukay. Pati mga gown ay doon nya rin binibili.Naalala ni Kim na pati ang gown na suot niya noong JS Prom ay nakuha din niya sa ukay.


“Madaming memorable finds eh. May mga pantalon, may mga tops. Most especially may mga gowns na pang-JS prom. Yung suot ko sa JS prom, ukay yun. Tapos nanalo pa akong Lady of the Night, parang ganun,” kwento ni Chiu.

Ayon kay Chiu,talagang naging fan siya ng ukay-ukay dahil sa kanyang kapatid na mahilig sa fashion mula pa noon.

“So hinihiram ko lagi yung mga damit niya. Siya talaga yung namimili since bata pa ako, wala pa akong pambili. So hinihiram ko yung mga ukay finds niya,” masayang ibinahagi ng Chinita Princess.

Kim Chiu
chinitaprincess IG

Dahil dito, perfect timing ang pagbibidahan ng aktres sa limited series sa Amazon Prime Video na “Fit Check: Confessions of an Ukay Queen.”

Pangungunahan ni Chiu ang nakakatuwang comedy-drama series kasama sina Jake Ejercito, Angel Aquino, at Kylie Verzosa.

Instagram