Kumpleto nang ipinakilala ang apat na mga Sang’gre, ang mga bagong tagapangalaga ng brilyante sa Encantadia.

Matatandaan noong nakaraang araw ay una nang ine-reveal si Bianca Umali bilang isa sa mga sang’gre na gaganap as “Terra,” ang tagapangalaga ng brilyante ng lupa.

Samantala, ngayong gabi ay ipinakilala na rin ang tatlo pang mga bagong Sang’gre na sina; Faith Da Silva bilang Flamarra, tagapangalaga ng brilyante ng apoy, Kelvin Miranda bilang Adamus, tagapangalaga ng brilyante ng tubig at Angel Guardian bilang Deia, ang tagapangalaga ng brilyante ng hangin.

Sila ang mga bagong bibida sa kaabang-abang na Encantadia Chronicles: Sang’gre sa GMA!

Instagram