Ine-reveal na ni Janna Dominguez ang sanhi ng pagkamatay ng 20-anyos na anak na si Yzabel Ablan sa kanyang post kahapon, Oktubre 9, 2023.

Ayon sa aktres, heart failure at lung infection ang rason.

Dagdag pa niya, inilihim ng kanyang anak ang kayang nararamdaman sa kanila dahil ayaw daw nito na may nag-aalala sakanya at makakaabala.

“Nag pacheck-up sya the day before and doctor gave her meds na kaya iniisip namen ok na. Then bigla nalang ganon.”

“She was at her condo in Manila when she suddenly had a hard time breathing kasama nya Yaya ate Iyn nya that time. Ate Iyn called us kaya dumiretcho na kme agad ng Manila.”

“Pero wala after multiple attempts to revive her wala na talaga. God called her back home na. We Love you our Chabelits so much.”

Matatandaang nabigla ang publiko nang inanunsyo ang pagkamatay ni Yza sa edad na 20 noong Sabado, ika-7 ng Oktubre 2023.

Nakatakdang iburol ang mga labi ni Yzabel sa Oktubre 12 sa La Pieta Funeral Homes, Angeles, Pampanga.

PHOTOS: Janna Dominguez, Facebook

Instagram