Kumita agad ng P10 million ang “A Very Good Girl” na pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo and Dolly de Leon, sa unang araw nito sa sinehan ayon sa Star Cinema nitong Huwebes.

Ipinalabas ang unang premiere ng pelikula nitong Martes ng gabi at ngayon ay pinapalabas na sa mahigit 250 na sinehan sa Pilipinas.

Mapapanood din ang “A Very Good Girl” sa mga international cinema sa susunod na buwan.

Ipapalabas ito sa mga sinehan sa US simula October 6, habang ang Hollywood premiere nito ay nakatakda sa October 4 sa Silver Screen sa Pacific Design Theater sa West Hollywood.

Ang nasabing movie ay pinagbibidahan din nina Jake Ejercito, Angel Aquino, and Chie Filomeno, Donna Cariaga, Gillian Vicencio, Ana Abad Santos, Kaori Oinuma, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, at Nour Hooshmand.

PHOTO: ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cinema)

Instagram